Isa sa pinaka importanteng okasyon na hinihintay ng bawat magulang at mag-aaral. Isang araw kung saan ang lahat ay nagdiriwang sa tagumpay na tinamo ng bawat estudyanteng talaga namang nagsikap sa kanilang pag-aaral.

Ang araw ng pagtatapos ay nalalapit na naman

Para sa mga batang matiyagang nagsipag-aral

Bawat isa’y tatanggap ng inaasam na parangal

Alay sa guro’t magulang na kanilang minamahal

Itong mga magulang walang pagsidlan ang tuwa

Di alintana ang hirap sa kanilang mga mukha

Lubos ang kagalakan sa dumating na biyaya

Isang importanteng papel tawag ay diploma


At ang mga ngiti sa labi ng guro ay hindi maalis

Pagka’t sya ang nagtuwid at nagtiyaga ng labis

Nagturo ng tama sa mali upang landas ay di malihis

Ng mga estudyanteng tagumpay  ang ninanais


Kaya’t ang lahat ay puno ng kagalakan

Abot tanaw na ang karangalan na inaasam

Maliwanag na bukas tiyak nang makakamtan

Dahil masipag na kamay ang siyang naging puhunan!

3
Liked it
  • lapasan on Feb 27, 2011

    Nice and inspiring poem. Thanks.

  • vijayanths on Feb 27, 2011

    needs translation.

  • nz2rdfox on Feb 28, 2011

    wonderful poem..thanks for sharing it with us:)

  • CHIPMUNK on Feb 28, 2011

    great read

  • mtrguanlao on Mar 1, 2011

    Di ko akalaing ikaw ay isang makata kaibigan,hehe! Sis,better to make articles in English but this one is a thumbs up for me!

  • janesteban on Mar 1, 2011

    Great poem! Really inspiring. Though you owe your other friends the English version of this poem. :) . Thanks for sharing!

  • jedpogi on Mar 2, 2011

    triond do allow tagalog articles? wow this is amazing.. :)

Leave a Comment
comments powered by Disqus

Hi there!

Hello! Welcome to Authspot, the spot for creative writing.
Read some stories and poems, and be sure to subscribe to our feed!

Find the Spot

Loading