Ang tulang ito ay inihahandog ko sa lahat ng taong may kapansanan lalo na sa paningin. Huwag kayong mawawalan ng pag-asa sapagkat espesyal kayo sa mga mata ng Diyos.

Para na rin sa mga taong nakapaligid sa kanila, matuto sana tayong umintindi at umunawa.

Nasaan ka na ba?

Gusto na kitang makita,

Sana naman huwag kang magtagal;

Iyan ang tangi kong dasal.

Ako ay nabubuhay sa mundo ng karimlan;

O pag-asa, kailan kita matatagpuan?

Adhika ko’y masilip ang iyong kariktan

Nang itong buhay ko’y

mabigyan ng kabuluhan.

Patuloy na bumubuhos ang mga luha;

Nahahapis sa natamong diwara,

Puso ko’y napingas;

Kailan pa darating ang lunas?

Kung tunay nga’ng mahiwaga ka, langit

Kapagdaka’y alisin mo itong pait,

Huwag sana sa akin ipagkait

Na kahit minsa’y mabuksan

itong mga matang nakapikit.

Buong buhay nang nangangapa;

Kailan kaya malalasap ang ginhawa?

Munting pangarap, sana’y makaalpas

Upang matakasan ang malagim kong landas.

Pananaw ko sa buhay, patuloy na lumalabo;

Walang nakikita, nadidiin pa lalo

Ang nais lang naman ay tunay na karinyo,

Hindi ang awa ng mundong mapaglaro.

3
Liked it
  • josa on Apr 1, 2011

    kawawa naman…

Leave a Comment
comments powered by Disqus

Hi there!

Hello! Welcome to Authspot, the spot for creative writing.
Read some stories and poems, and be sure to subscribe to our feed!

Find the Spot

Loading