Gospel Reflection "You are the salt of the earth"
Paano mo ito naisasabuhay?
May kabuluhan ba ang iyong buhay?
Anong ginagawa mo ngayon?
May direksyon ba ang tinatahak mong landas?
Ito’y mga katanungang itinatanong ko sa sarili ko ngayon…
Ano nga ba ang kabuluhan ng buhay ko?
Nabubuhay ba ako para sa ibang tao o para lamang sa sarili ko?
Puro tanong…
Tanong o tanong…
Ang hirap palang sagutin…
May kabuluhan nga ba ang buhay ko?
Sana naman meron…
Sayang naman ang mga sandali sa buhay ko kung wala naman pala itong kwenta…
Paano ko masasabing may kabuluhan ang buhay ko?
Paano nga ba?
May ginagawa ba akong may kabuluhan?
May natutulungan ba ako sa araw-araw na lumilipas?
Nag-aalok ba ako ng tulong kapag nakikita kong kailangan ng iba ng tulong?
Nakikipagkapwa-tao ba ako?
Marunong ba akong magpasalamat?
Marunong ba akong humingi ng paumanhin sa mga taong nasaktan ko?
Marunong ba akong magmahal?
Pahirap na ng pahirap ang mga katanungan ito…
Ito ba ang sukatan para malaman ko kung may kabuluhan ang bawat oras ng buhay ko?
Kung asin ako, may alat pa kaya ako?
O baka naman tinatapakan na ako dahil wala na pala akong lasa?
Bakit hindi ko alam?
O baka naman nagmamaang-maangan lamang ako?
Kailangan kong malaman, kailangan kong makasiguro…
Sayang naman ang buhay…
Sayang naman ako kung wala akong kabuluhan.
Minsan lang ako mabubuhay, minsan lang ako magiging ako…
Kung sakali man, kung gayon nga…
May oras pa ba?
May pagkakataon pa?
Kaya ko pa kaya?
Naku…
Kikilos na ako…
Kailangan na…
Oras na…
Currently there are no comments related to "Gospel Reflection". You have a special honor to be the first commenter. Thanks!
Welcome to Authspot, the spot for creative writing.
Read some stories and poems, and be sure to subscribe to our feed!