Tula, poem.

Nag-umpisa tayo sa asaran

Ng Ginebra at Alaska ang naglalaban

Ikaw ay alipin ng Ginebrang tunay

Naghihimutok kapag nalalamangan

Ako’y sadyang alaskador lang

Kung nasaan si Jolas dun nakaabang

Sa alaska napunta aking simpatya

dahil si jolasyon ang koponan

Ang sarap mong asar asarin

kasama ng ibang die hard din

Pag natatalo ang ginkings

sa balkon natutulog kahit papakin ng lamok

Ang sama ng tingin mo sa akin

akala mo iniinis ka palagi

kaya di mo pansin aking ngiti

sa iyong pagka asar talo, ako’y panalo

Pagkatapos nun, wala ng pansinan

dahil naasar sa aking katabilan

umiiwas tuwing nakikita

parang may sakit na nakakahawa

sa bundok na iyon na ginto ang minimina

kokonti lang ang babae sa kapaligiran

sa mundo ng puro kalalakihan

ako’y pansinin di ko alam

prinsesa aking pakiramdam

sa dami ng nagpapakitang gilas

pero ikaw dedma lang

akala mo galit ng walang dahilan

pumorma iyong mga kaibigan

pormang nakakaabala

ako’y napikon at umiwas na

pero akala nila ikaw ang kasama

Iwas lang ng iwas

upang di magtagpo ating landas

di ko alam san nila nakuha

na ikaw sa akin ay nanliligaw

may katipan ka nong panahon na yon

sabi nila kayo ay seryoso

kaya ako’y di na umeksena

hinayaan na ika’y masaya

Pero di nawala kanilang iniisip

na ikaw sa akin ay nagpapalipad hangin

tinatawanan lang kanilang sinasabi

hinayaan lang na panahon ang magsabi.

Sinong mag-aakala na magiging tayo?

sa gulo ng mundo nong panahon na yon

Pero nabigyan ng pagkakataon

Nagkalapit ating mga puso.

Isang dekada at tatlon taon

pagsasamang ginagabayan ng Diyos

Ating premyo ay dalawang anak

Bunga ng walang pasubaling pagmamahalan

Para sa yo aking mahal,

ako’y lubos na nagpapasalamat

dahil sa buong tiwala na iyong ibinibigay

at suportang walang kapantay

Labing tatlong taon

sinong magsasabing eto tayo

Salamat una sa Diyos,

at sa yo Mahal na di sumuko

Aking dalangin sa Maykapal

na tayo ay patuloy na biyayaan

ng gabay at pananampalataya

sa magsama habang buhay.

0
Liked it
Leave a Comment
comments powered by Disqus

Hi there!

Hello! Welcome to Authspot, the spot for creative writing.
Read some stories and poems, and be sure to subscribe to our feed!

Find the Spot

Loading