A poem in Filipino, the Philippine language
jeepney is the most famous mode of transportation in the Philippines which has some similarities with the buses in Myanmar.
muli,
tayo ay nagkasabay sa jeepney
iba na naman ang suot mo
pero maganda tulad ng dati
samantalang ako’y kupas na maong na naman
muli,
napatitig ako sayo
at napanganga sa malambing mong “bayad ho”
at nang makita ang makinis mong braso
muli,
hindi ka sa akin nakatingin
ang buhok mong nililipad ng hangin
habang nakadungaw at may ngiting mahinhin
muli,
masaya akong nagmamasid sa’yo
habang umiikot ang isip mo tulad ng gulong ng jeep na ‘to
at binubulong ko ang di marinig na pagsuyo
muli,
ang byahe’y pumunta sa hangganan
dito sa kanto, kung saan ang aking babaan
ang aking pagsakay ay lakbay naman
muli,
ako’y hihiling na sundan ng tingin
ng mga mata mong hindi pa ako napapansin
at mamaya ako ay muling mananalangin
na sana’y muli,
makasabay ka sa jeepney uli
na mapansin na ang aking nakangiting labi
habang tayo’y magkasama sa pag-uwi
Currently there are no comments related to "Jeepney". You have a special honor to be the first commenter. Thanks!
Welcome to Authspot, the spot for creative writing.
Read some stories and poems, and be sure to subscribe to our feed!