Tok Tok ni Jai Tot
original song composition.
isang araw ako nga’y nag-isip,
ano nga ba ang aking sasabihin
sa mundong di maintindihan
labi ko nga’y napaos din
at pagtingin sa aking kamay
salamat sa Diyos at tinamaan ako
kamay nga’y di makasambit
kaya’t wala nang masasabi
…tulad nga ba ng orasan
…tumatakbo nga ngunit
…bumabalik din naman
Ano ba ang ibig kong sabihin sa mundong ito…
Paulit-ulit nalang, wala parin…
Di pa rin nagbabago…
Kelan pa kaya maririnig…
Sigaw nitong puso…
Ano pa nga ba ang masasambit…
kundi…
Wala nang masasabi pa…
puro daing, wala namang gawa
tulong na bigay ay hanggang bibig lang
Welcome to Authspot, the spot for creative writing.
Read some stories and poems, and be sure to subscribe to our feed!