Celebrated independence of Filipinos until now.


Sa kalabisang maituturing,
Ang mga Kastila’y tila sumobra
Isang bagay na hindi matawaran
Hindi pa rin magtatagumpay.
 
Paggugunita ng isa at
Daang taon na lilipas
Ano ba ang mangyayari?
Ano ang sasapitin natin?
 
Pagtanto ni Rizal
Aking ihahayag
Sa simpleng berso
Taludtod ng nasyonalismo.
Mga pilipino’t wari’y nalinlang
Nguni’t sa ikabuturan ng lahat
Mga kastila’y nagkamali
Mga indio’y todong minaliit.
 
Marahil, mga batas nilang mananakop
Kanila ngang naipagtibay ng ganap
Lalong lumawak ang kahirapan
Naalipusta ang ating pamumuhay.
 
Nawala ang sagisag
Ang kulturang sinusundan
Pinalitan ng krus at espada
Nilamon ang sa ati’y kilala.
 
Walang tututol,
Natututong magsunud-sunuran
Kaw ba’y gamitan ng dahas
Kahantunga’y takot at dusa.
 
Sa pagdating ng liwanag
Ni Rizal sampu ng mga kasulatan,
Nabuhay ang apoy,
Ang lagablab ng kalayaan.
 
Ang mga pilipinoý nanlilisik
Mga halimaw ng mga api
Sumugod at lumaban,
Itinaboy ang mga kastila.
 
Nawala man ang nagdala
Ng apoy na nakakapaso
Nabuhay ang lagablab
Ngayo’y ika’y malaya.

0
Liked it
Comments (0)

Currently there are no comments related to "Liwanag Ng Kalayaan". You have a special honor to be the first commenter. Thanks!

Leave a Comment

Hi there!

Hello! Welcome to Authspot, the spot for creative writing.
Read some stories and poems, and be sure to subscribe to our feed!

Find the Spot

Loading