A poem expressing anger on the Visconde massacre decision.
Mas Nais kong mapunta sa impyerno
at makasama ang mga demonyo
kung ako’y magpapakahipokrito
habang nabubuhay sa mundo
Mas madali pa ang biglang mawala
ng parang isang bula
Kesa magsinungaling sa mga pagkakasala
at magkasala pa kay poong bathala
Baka sa dagat ng apoy matuto pa kong magpakumbaba
sa kagalingan dakilang lumikha
Imbis na maging buwaya
At masunog ang kaluluwa
mas madali sa impyerno
dahil dun kilala mo na ang trapo
mas mabuti pa sa lugar na pagbabayaran ko ang mga pagkakamali ko
kesa magpanggap na santo
ito ang mas marawal
kesa sa isang hustisyang bukalkal
Na ang mahihirap ay di pwedeng umangal
sa korteng nilabag ang utos ng maykapal
Kung Hihingin ko ba sa Ama
na akoy ihulog sa apoy na lawa
para pagbayaran ang mga salang kanilang ginawa
papayag kaya siya para maligtas ang iba
Di nakailangang magpapako
kung si kristo ngay inako
pano pa kaya akong isang ordinaryong tao
gagawin ko itong pangako
tila ba isang entablado
ang daigdig natin ng mga pulitiko’t gago
nagmistulang hari ng mundo
lahat sila’y makakasama ko
habang nilalangaw at sumisigaw
at ang mga latigong humataw
at mga serpyente akoy tinutuklaw
ito ang hihilingin ko sa araw aking pagpanaw
Welcome to Authspot, the spot for creative writing.
Read some stories and poems, and be sure to subscribe to our feed!