Poetry, tagalog, filipino, poem, love, hate, hatred,
sa paglipas ng putanginang araw
maraming tanong ang bumatingaw
sino ang gago? sino ang preso?
tama ba na maging alipin ng kahapong hindi sigurado?
na alam mo na ikaw ang ang talo!
hanggang sa huli pinilit na huwag sumuko..
paano kung sa harap mo ikaw ay pinagkanulo
na alam mo na ikaw ay pilit itinataboy ng husto?
makangiti ka pa kaya kahit na alam mo na ikaw ay niloko?
syempre, magkukunwari na ok lang lahat sayo
kahit masakit isipin na dumating ka para lang dumalo
sa huling araw na alam mo na siya ay lalayo…..
hmmmmmm….bakit may karapatan ka ba?
wala naman diba?
ay, putangina!
kung alam ko lang na sa huling araw lahat balatkayo
bakit pa pupunta kung alam ko na ako ay uuwi na liyo…
sa mundo ng walang kasiguruhan, bawal ang sumigaw!
bawal din ang umasa ng singaw…
o, mas dapat ba sabihin na…..’wag kang tungaw?
kung bawal magtanong…siguro mas bawal maging sinungaling diba?
bulaan? ay, puta! narinig ko lang yan sa iba!
pero alam ko ang pinagkaiba sa salitang “hayaan mo siya”
mas ok nga naman na umisip ng dahilan para makita mo ung iba
kesa naman magtiis ka na kasama mo siya….
ano pa gagawin mo?
syempre, magpapaalam ka na lang diba?
mama, magkano nga pamasahe?
puta! nakalimutan ko sukli ko!
nasaan na ba ko?
hey!…..ok lang yun naintindihan ko……
oo nga pala, goodluck sa pag-alis mo………………………………………………
(nga pala, ung gusto mo mangyari sinabi na sa akin.. duwag ka naman pala pinatagal mo pa!)
Currently there are no comments related to "Oo Nga Pala (Alam Ko Na!)". You have a special honor to be the first commenter. Thanks!
Welcome to Authspot, the spot for creative writing.
Read some stories and poems, and be sure to subscribe to our feed!