"In a corner"

Ayan
Andyan ka na naman
Nagmumukmok sa isang sulok
Hindi malapitan
Heto
Na naman ako
Nag-aalala’t naghihintay
Na sabihan mo

Hindi mawari
Kung ano’ng nasa isip mo
Nais ko lang namang maibsan
Ang nadarama mo
Dahil

Andito lang ako, hindi kita iiwan
Anumang pagdaanan mo, ikaw ay sasamahan
Basta’t sa aki’y huwag ikubli
Ako nama’y makikinig
Dito
Sa isang tabi

Wag kang mag-alala
Wala akong balak na pagtawanan ka
Sa iyong problema
Dahil
Ika’y mahalaga
Pagka’t minsan mo na ring pinawi
Ang aking luha

Lungkot at galit mo ay iyong ilahad
Ngumiti ka lang pagkatapos, ito ang aking hangad
Dahil

Kapag dumating ang oras at ako’y wala na
Aasahan kong may iba pang papawi ng iyong luha
Subalit kung nais mo akong manatili
Sabihin mo lang…
Sabihin mo lang…
At

Darating ako, hindi na kita iiwan
Bawat pagdaanan mo, ikaw ay sasamahan
Basta’t sa aki’y huwag ikubli
Ako nama’y makikinig
Dito
Sa iyong tabi

Andito lang ako…

0
Liked it
Comments (0)

Currently there are no comments related to "Poetry: Sa Isang Tabi". You have a special honor to be the first commenter. Thanks!

Leave a Comment

Hi there!

Hello! Welcome to Authspot, the spot for creative writing.
Read some stories and poems, and be sure to subscribe to our feed!

Find the Spot

Loading