Poetry in Filipino
"Tahan na" means "Stop crying."
I.
Sinisisi ang kapalaran
Pusong laging nasusugatan
Hinagpis ng mga damdaming
Paulit-ulit na nasasaktan
Mga luhang umaagos
Tila patuloy sa pag-ulan
Pighati lang ang karamay
Sa t’wing ligaya’y lumilisan
Parang lumilihis ang bawat pagnanais
Na wakasan itong panahon ng pagtangis
II.
Nadarapa’t nasusugatan
Pagkakamali’y di maiwasan
Bakas ng sugat ng kahapon
Mahihilom pa ba ng panahon?
Bakit binabalik ang mga ala-alang
Binabaon at kinakalimutan na?
Tahan na’t pawiin ang ‘yong luha
At ‘yong makikita, isang bagong umaga
Liwanag na gabay ng panahon
Pag-asa’y naroon sa iyong pagbangon
Lakasan mo ang iyong loob
Currently there are no comments related to "Poetry: Tahan Na". You have a special honor to be the first commenter. Thanks!
Welcome to Authspot, the spot for creative writing.
Read some stories and poems, and be sure to subscribe to our feed!