Tagalog poem.
kuya bili ka ng puto?
(hindi…wala ko pambili e.)
e, bukas po bibili ka ba?
(bigla ko napaisip na natatawa sa sinabi ng bata)
medyo kakaiba na nakakagulat
parang may kurot na sa mata ay muling nagpamulat
pinilit ko sumagot sa paraang hindi magdaramdam
ang kawawang paslit sa edad na siyam
biglang nangako sa sarili at sa bibig ko ay namutawi
“sige, bumalik ka bukas”
kahit alam sa isip na walang pera pambili kapag dumating ang bukas….
kinabukasan muling bumalik
dala ang puto na ilalako
muling naalala ang pangako
nagawan ng paraan para makabili kahit dalawang plastik
nakakatuwa na nasabik
sa kwento ng batang tumigil sa eskwela
kapareha ng kanyang kuya
sabi nya wala daw pera
hindi kaya para sa kanilang lima
sa susunod na bukas na lng daw ng eskwela….
magkano ba matrikula?
hindi naman ganon kamahal kumpara sa aking eskwela nung nagaaral pa
mas mahal pa pantalon na ipinamigay sa iba
hindi bale may bukas pa
kaya pala humanga
sa sinabi ng bata
sagana sa pag-asa ang bawat kataga
walang bahid ng pagsuko
kahit na akoy tumanggi sa kanyang unang alok
muling sumubok
at aking naarok
ang katagang……
“bukas po bibili ka?”
Currently there are no comments related to "Puto". You have a special honor to be the first commenter. Thanks!
Welcome to Authspot, the spot for creative writing.
Read some stories and poems, and be sure to subscribe to our feed!