This is a Tagalog poem about my awe and gratitude to someone.

Tunay ngang pag-ibig mo sa aki’y walang hangganan

Na kahit pa ako’y masama ay di mo maiwan-iwan

Di ko maisip kung ba’t sa akin napamahal

Kahit ako’y may ugaling masama at isa pang hangal.

Makailang ulit kitang sinaktan

Dahil sa kung anung maliit na kadahilanan

Ni hindi ko naisip na ikaw ay nagdurusa

Sa walang katuturang galit ng pag-aakusa.

Ngunit sa kabila ng aking kapintasan

Nanatili kang tapat sa iyong sinumpaan

Na kahit anu pa man ang sa ati’y mangyayati

Ikaw ay nandyan lang mananatili sa aking tabi.

Ako’y mapalad dahil minamahal mo ako

Bibihira lamang ang taong tulad mo

Sana’y pagmamahalan nati’y walang wakas

At magkakasama tayo hanggang may bukas.

1
Liked it
Comments (0)

Currently there are no comments related to "Salamat". You have a special honor to be the first commenter. Thanks!

Leave a Comment

Hi there!

Hello! Welcome to Authspot, the spot for creative writing.
Read some stories and poems, and be sure to subscribe to our feed!

Find the Spot

Loading