A fictional story written by Jordan Dula. The story is about love, heterosexual/bisexual encounters.

A Boy’s Story / A Girl’s Story

Written by Jordan Dula

A Boy’s Story: Chapter 11

Umuwi na sina Carlo at Shane pero si Michael ay hindi pa.

“Sabi na nga ba eh.” Sabi niya.

“Huh?” pagtataka ko naman.

“Wala.” Sagot niya. “Manghihiram pala ng notes ah?”

“…” natahimik ako. Wala na ako masabi dahil nahuli na niya ako na nagdadahilan lang sa pagpunta sa amin ni Carlo.

“Oh? Natahimik ka? Bawal yan. Tara turuan na muna kitang maggitara.” Sabi niya.

At ayun, tinuruan na nga ako. Ang weird ng feeling nung na may pagkakataon na nagkakadikit ang aming mga kamay, daliri at higit sa lahat ang kanyang katawan sa aking likuran. Ewan ko ba, bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi pwede ang ganito, kami na ni Carlo, ayoko na masaktan ko siya dahil alam kong madrama na ang nakaraan nun, marami ng hinanakit sa buhay.

Nang mapansin niyang namumula na ang aking mga daliri sa pagtuturo niya ng gitara sa akin ay kinuha niya sa akin ang gitara. Tumugtog. Umawit. Shet. Kaka-inlove tong mokong na to sa pagkanta niya ng “Sana’y ako na lang”, peyborit song niya ata to eh, palagi niyang kinakanta pero ganun pa man, di ako nagsasawang pakinggan ito mula sa kanya.

Ang pakiramdam ko sa mga sandaling ito ay tumigil sa pag-ikot ang mundo. Pakiramdan ko na kami lang ni Michael ang tao sa buong mundo. Pakiramdam ko nasa langit na ako. Inalis ko muna sa isipan ko ang mga bagay bagay na gumugulo sa isipan ko gaya ng mali ang aming ginagawa at may masasaktan kaming mga tao, lalo na sina Shane at Carlo.

“4:00am na, uwi ka na.” sabi ko.

“Di na muna ako uuwi, matutulog na muna ako sa kwarto mo.” Sabi niya at ikinabigla ko. Ano bang naispan nito at papaya ako?

“Oy, di po pwede. Baka hanapin ka sa inyo, mag-alala mga magulang mo.” Sabi ko.

“Sige, uwi na ko.” sabi niya. “Pero sana di ako mapagtripan ng mga tambay na lasinggero sa kanto namin o kaya sana di ako masagasaan sa pagtawid ko kasi inaantok nako o kaya…”

“Sige na, dito ka na matulog.” Sabi ko na, konsensiyahin ba naman ako? Hay nako.

0
Liked it
Leave a Comment
comments powered by Disqus

Hi there!

Hello! Welcome to Authspot, the spot for creative writing.
Read some stories and poems, and be sure to subscribe to our feed!

Find the Spot

Loading