A lesbian love story.
Caught in a Bad Romance
1
“TANG INA.”
Hindi sinasadyang naibulalas ni Ian ng mamataan ang paltos sa kanyang sakong. Ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon dahil sa isip-isip niya’y isang oras lang naman ang aabutin at matatapos din ang misa. Inipit niya ang suot na mahabang palda sa pagitan ng kanyang mga hita, ginawa ang tanda ng krus, at lumuhod sa paanan ng bangko gaya ng kanyang ina.Sa halip na ituon ang atensyon sa pagdarasal ay palinga-linga siya sa kanyang paligid. May mga mapuputi, balingkinitan, tsinita. Nasa loob pa lamang siya ng simbahan ngunit pakiramdam niya na ang kinaroroonan ay langit na.Hindi niya inaasahan na ang huwad na langit niya’y magiging impyerno. Mula sa gilid ng kanyang mata ay naaninag niya ang isang pamilyar na pigura. She forced herself to believe na ang lahat ng ito’y masamang bangungot lamang ngunit hindi, siya nga iyon. Namutla si Ian, at kasabay nito ang pamumuo ng pawis sa kanyang noo. Nanlamig ang kanyang mga kamay. Bumilis ang pintig ng kanyang puso. Kung pwede lang ay maglahong parang isang bula. Aalis ba siya sa kinauupuan o magkukunwaring walang nakita? Sa wakas ay napagdesisyonan niya na kunwari’y magsi-cr. Akmang nang patayo na sana siya ay biglang tumunog ang kampana. Magsisimula na ang misa. “’Tang ina”, tanging nasambit niya.
Kasing lakas ng awitin ng kora ang pagtambol ng puso ni Ian, habang sinasalubong ang sarkastikong ngiti ni Minerva. Kung pwede lang maglahong parang isang bula.
“It’s nice to see you again.” Pabulong na wika ni Minerva. Mas lalong kinilabutan si Ian nang dumampi ang mainit na hininga ni Minerva sa kanyang tenga.
“Ano’ng ginagawa mo rito?!” Pagtitimpi ni Ian. Naninigas sa kanyang kinatatayuan.
“ Hindi mo ba ako na miss?” Usal nito na parang bata.
“Tigilan mo na ako!” Pagpipigil niya habang pinipilit mag-pokus sa misa. Narinig niya ang sarkastikong pagtawa ni Minerva. She was not successful. Dumikit pa lalo si Minerva, nakapulupot ang kamay sa braso niya. Hindi nito alintana na nasa loob sila ng simbahan.
“Marianne, who was that girl?” Tanong ni Mrs. Ongpauco, mommy ni Ian.
“A friend.” Nakahinga na ng maluwag si Ian dahil sa wakas ay nakalayo na sila sa lugar na iyon. It is a place of peace but ironically, it gave her shivers, especially kapag naalala niya ang sinapit kani-kanina lang. But then, dahil sa tanong ng ina, pinagpapawisan na naman siya. Feeling niya ay may halong pagdududa ang tanong nito, or maybe it was just her. Just her paranoioa.
Currently there are no comments related to "Bad Romance". You have a special honor to be the first commenter. Thanks!
Welcome to Authspot, the spot for creative writing.
Read some stories and poems, and be sure to subscribe to our feed!