Buod ng iba’t ibang storya.

Ang Pamana

Jose Corazon de Jesus

Isang araw, nakita ng anak ang kanyang ina na gumagawa ng gawaing bahay at ang kanyang mga senyales na tumatanda na siya (1). Bigla naman sinabi ng inay na ang piyano ay ang kanyang mamanahin, at ang kubyertos at silya’t aparador ay sa ibang kapamilya niya naman ibinigay (2). Biglang pumasok sa isip niya na bilang na ang araw ng kanyang nanay, at hindi niya kayang mabuhay na wala siya (3). Itinanong naman ng anak na bakit hinahati na ngayon ng ina ang kanyang mga mana (4). Ang sagot naman ng nanay : “Wala naman-baka ako’y tawagin ni Bathala”. (5). Ang anak naman ay sumagot ng anong gagawin niya sa mga mana, kung wala naman ang kanyang ina (6). Aanuhin niya pa raw ang mga mana kung wala na ang pinakaimportanteng tao sa kanyang buhay, ang kanyang ina (7).

Dugo Sa Kanyang Pagsilang

Domingo G. Landicho

Sinimulan ang istorya sa paglarawan ng mga uri ng buhay meron ang mga mag-aaral (1). Nang tumanda na sila,  nagkaron ng pagdanak ng dugo sa kanilang lugar, at parang nakita ng karakter na si Solomon na hindi totoo ang sinabi ng kanilang guro na may pagkapantay-pantay sa kanilang bayan (2). Nagkaron ng pag-aaway sa silid-aralan nung sinabi ni Michael na tulisan ang ama ni Solomon, at tinatanggi naman ito (3). Dahil dito, pinarusahan si Solomon sa pamamagitan ng pagpapalo, at kahit binibigyan siya ng pagkain ay hindi niya tinatanggap dahil naging manhid na raw ang kanyang sikmura (4). Nakalabas na si Solomon sa pinanggalingan niya dahil may nakatakas raw at magkakaron raw ng mga putok (5). Tumakbo siya para puntahan ang kanyang ama, pero nakita niya na sumakabilang buhay na ang kanyang tatay at naliligo sa kanyang dugo (6). Tapos niya matunghayan ito, bigla siyang tumakbo sa bundok at itinimpi ang galit sa mga taong pumatay sa kanyang ama (7).

Ang Silindro ni Doy

Wilfredo PA. Virtusio

Sa kulangan ng Bilibid ay merong nakulong dahil sa pagtaga sa dalawang lalaki na kumukuha sa kanyang lupain (1). Siya ay si Doy at inikwento niya kay Noy ang kanyang istorya, pero hindi ito naniwala (2). Isang araw ay nakabili si Doy ng isang silindro at itinugtog ito lagi, kahit na natutulog na ang kanyang mga kasama sa kulungan (3). Dahil dito ay itinago ng kanyang mga kasamahan ang kanyang silindro, ngunit sa paggising ni Doy ay napansin niya na wala na ang kanyang silindro sa pinagtataguan niya (4). Nagalit si Doy at halos nagwala, at biglang sinuntok si Noy sa kanyang mukha (5). Ibinalik na agad ng ibang bilanggo ang silindro sa ilalim ng tarima, at nakita rin ito ni Noy (6). Nagpaumuanhin si Doy at dahil sa pangyayaring ito, ay naniwala si Noy sa mga inikwento ni Doy (7).

0
Liked it
Leave a Comment
comments powered by Disqus

Hi there!

Hello! Welcome to Authspot, the spot for creative writing.
Read some stories and poems, and be sure to subscribe to our feed!

Find the Spot

Loading