This is a story. The title is "Freedom" in English.

Tumayo ako mula sa aking kinauupuan. Palakad-lakad papunta dito, papunta doon. Labinlimang minuto na ang nakalipas ngunit wala pa rin si Javier. Palibhasa kasi palagi na lang huli sa anumang lakad. Nababahala talaga ako. Darating pa kaya siya? Nababagot na ako sa kahihintay. Bigla akong napatigil sa paghakbang. Kanina pa pala akong paikut-ikot kaya parang nahihilo na ako. Bumalik ako sa aking kinauupuan. Tumingin ako sa buong paligid na tila nag-iimbestiga kung may mga pamilyar na mukha. Maliban kasi sa pangambang baka nagbago na ang isip ni Javier ay natatakot din akong baka may makakakilala sa akin.

      Si Javier, napakabuti niya sa akin. Kahit anim na taon ang tanda niya sa akin at halos ka-edad lamang siya ng kuya ko ay parang iisa lamang ang pag-iisip namin. Kaya niyang makisabay sa mga kahibangan ko kahit halata namang mas matalino siya at marami na siyang alam sa buhay. Tanggap niya ang pagkatao ko at iyon lamang ang tangi kong pinanghahawakan. Biglang nag-iba ang laman ng isip ko.

      Kani-kanina lamang ay nagmamadali akong lumabas ng bahay. Sinamantala ko na ang pagkakataong wala doon ang kuya ko. Hindi ko na talaga kakayaning manatili pa doon kasama ang nakakatanda kong kapatid. Nasasakal ako.

      Si kuya na lamang ang natitira kong kapamilya. Pumanaw ang inay noong ipinanganak niya ako. Ang itay naman, ayon sumama sa ibang babae habang ipinagbubuntis pa ako ni nanay. Si kuya na ang tumatayo kong magulang sa loob ng dalawampung taon kaya naiintindihan ko kung bakit niya ako hinihigpitan. Ang hindi ko lamang lubos maunawaan ay kung bakit maging ang pakikipagrelasyon ko kay Javier ay binabalakidan niya. Lahat ng aspeto ng buhay ko ay parati niyang pinapakialaman. Sa pagkakaalam ko kasi, lahat ng tao ay may karapatan—sa buhay, pagdedesisyon, at maging sa pag-ibig. Kaya ngayon, gagawa ako ng paraan para matapos na ang lahat ng ito. Inaasahan ko na, na magmumukha akong tanga at baliw sa mata ng karamihan. Gayunpaman, wala akong pakialam sa kung anuman ang sasabihin at iisipin ng ibang tao tungkol sa akin. Bakit nga ba ako magtitiis kung mayroon namang mas madaling paraan upang guminhawa ang buhay ko? Mahal ko si kuya, pero mas mahal ko ang aking sarili. Oo, mas mahalaga sa akin ang sarili ko higit pa kanino man. At ngayong nabigyan ako ng pagkakataong makaalpas mula sa hawla  kung saan matagal na akong nakakulong ay hindi ko ito maaaring palampasin. Sa wakas, magagawa ko ana ang lahat ng gusto ko, katulad ng isang ibong malayang nakakalipad sa kawalan.

0
Liked it
Comments (0)

Currently there are no comments related to "&Ldquo;kalayaan”". You have a special honor to be the first commenter. Thanks!

Leave a Comment

Hi there!

Hello! Welcome to Authspot, the spot for creative writing.
Read some stories and poems, and be sure to subscribe to our feed!

Find the Spot

Loading