”Huwag ninyong kakainin ang prutas na nasa gitna ng paraiso.”
Ito ang pinakaunang atas sa mga kauna-unahang mortal sa daigdig. Ngunit hindi lamang sa kanila ibinibigay ang naturang atas. Paano na kung may mga nilalang na hindi pa rin kayaning layuan ang pagtikim sa bunga ng pinakamatinding tukso? Pilit inilalayo ni Allan ang kanyang sarili sa nakababatang kapatid na si Evangeline upang maikubli dito ang kanyang tunay na pagtingin. Mga pagtingin na sa mata ng D’yos ay kasalanang tagos hangang kaluluwa. Ngunit tila sadyang mahirap layuan ang isang tukso, lalo na kung ito na mismo ang lumalapit at nagsusumamo sa iyo. Sa pagtatago nila ng kanilang lihim na relasyon, isang lihim din ang matagal nang nagkukubli sa kanilang tunay na pagkatao. Paano kaya kung ang dalawang lihim na ito ay sabay mabuksan. Paano nila tatanggapin ang katotohanang magiiba ng kanilang pamumuhay.

Samahan ang mga bida sa istoryang ito ng romance sa pagkagat sa pinili nilang tadhana.

(Genesis 3:22-23) At sinabi ng Panginoong Dios, Narito’t ang tao’y naging parang isa sa atin, na nakakakilala ng mabuti at ng masama; at baka ngayo’y iunat ang kaniyang kamay at pumitas naman ng bunga ng punong kahoy ng buhay, at kumain at mabuhay magpakailan man: Kaya pinalayas siya ng Panginoong Dios sa halamanan ng Eden, upang kaniyang bukirin ang lupaing pinagkunan sa kaniya.

Halos mabasa ng pawis ni Allan ang kanyang buong damit habang maigi niyang minamanipula ang kanyang lapis upang detalyado niyang mapalabas ang hubog ng katawan ng isang hubad na babae na kanyang iginuguhit. Mukha na lamang sana ang kanyang iguguhit nang biglang yakapin siya ng kanyang nakababatang kapatid na si Evangeline mula sa kanyang likuran dahilan upang magurihan niya ito.

“Kuya Allan! Anong ginagawa mo?” tanong nito sa kanya habang nakapulupot ang mga braso at bisig nito sa kanyang leeg.

Tila kuryente ang naramdaman ng lalaki nang maglapat ang likuran ng kanyang ulo at ang malambot na hinaharap ng kanyang kapatid. Ang mahaba at ang malambot nitong buhok na tila kumikiliti sa kanyang batok, ang maputi at makinis nitong balat na mas lalong tumingkad nang mapalapit sa kanyang morenong kutis at ang mahalimuyak na pabango ni Evangeline na kanyang nalalanghap ay tila gumagayuma sa kanyang pagkalalaki. Dali-dali niyang hinawi ang sarili sa pagkakayakap nito.

“Pwede ba! Wag mo akong guluhin ‘pag may ginagawa ako? Para ka pa ring bata kung umasta!” pasigaw niyang sabi habang nililigpit ang kanyang gamit sa pagdrodrowing.

“Sorry, nakalimutan ko,” sambit ni Evangeline.

“Sorry ka nang sorry, pero inuulit mo naman. S’ya nga pala, iyong-iyo na itong kuwarto. Lilipat na ako ‘dun sa kabila na dating tambakan ng mga libro. Nililinis ko na iyon at baka sa isang araw ay makalipat na ako dun.”

Pabagsak na isinarado ni Allan ang pintuan at iniwang nag-iisa si Evangeline sa silid. Napasulyap si Evangeline sa litrato nilang dalawa sa lamesa nung bata pa sila. Bakas sa litratong iyon ang kanilang mga ngiti at walang humpay na saya nung bata pa sila, walang anu-ano’y gumuhit ang luha sa kanyang pisngi.

(Genesis 3:1-3) Ang ahas nga ay lalongtuso kay sa alin man sa mga hayop sa parang na nilikha ng Panginoong Dios. At sinabi niya sa babae, Tunay bang sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain sa alin mang punong kahoy sa halamanan? At sinabi ng babae sa ahas, Sa bunga ng mga punong kahoy sa halamanan ay makakakain kami. Datapuwa’t sa bunga ng punong kahoy na nasa gitna ng halamanan ay sinabi ng Dios, Huwag kayong kakain niyaon, ni huwag ninyong hihipuin, baka kayo’y mamatay.

0
Liked it
Comments (0)

Currently there are no comments related to "Katas Ng Ipinagbabawal Na Prutas by Clarivel Matias". You have a special honor to be the first commenter. Thanks!

Leave a Comment

Hi there!

Hello! Welcome to Authspot, the spot for creative writing.
Read some stories and poems, and be sure to subscribe to our feed!

Find the Spot

Loading