Marunong ka bang mag-tagalog?…Hindi pa? matuto na! Pumasok sa klase ni Binibining Maria.
Sa isang silid-aralan ng mga batang inglesero, edad 3 hanggang 5, tinuturuan ng gurong si Binibining Maria ang kanyang mga mag-aaral kung paano bumati sa Tagalog. Kapag sinabi ng guro na, “Magandang umaga mga bata!” sasagot ang mga bata ng, “Magandang umaga, Binibining Maria!”…Kinabukasan, inumpisahan ni Binibining Maria ang pagbati sa Tagalog at may isang batang sumagot ng, “Magandang Binibini Maria!”…Ang tuwang-tuwa’ng guro ay sumagot ng,”Oo, tama ‘yang sinasabi mo pero hindi ang kagandahan ko ang pinag-uusapan natin kundi ang kagandahan ng araw!”
Nakakalito talaga ang Tagalog, lalo na ‘pag hindi ito ang kinagisnan mong wika at napaghahalo mo ito sa wikang Ingles. Ngunit nakakatuwang pakinggan ang mga batang nag-aaral mag-tagalog. Si Carlos ay isang batang mag-aaral ni Binibining Maria. Siya ay apat na taong gulang. Minsan, siya ay nagbakasyon ng ilang buwan sa probinsya ng kanyang mga lolo’t lola. Pagbalik niya sa klase, nagkuwento siya sa kanyang kaibigang tagalistang si Camille. Si Carlos ay natuto ng tagalog sa kanyang bakasyon at nasasabik siyang subukan ang kanyang tagalog sa kanyang kaibigan:
Carlos: Alam mo Camille, noong pumunta kami sa bahay ng lolo ko, sumakay kami sa eroplano, nag-dimostrit yung stewardess.
Binibining Maria (naririnig ang usapan ng dalawa): Carlos, demonstrate…
Carlos: (kay Bb Maria): demonstrate…(bumaling kay Camille): talaga Camille, nagdimostrit yung stewardess…
Binibining Maria: Carlos, sabi ko, demonstrate
Carlos: Opo…(at bumulong kay Camille): talaga Camille, nagdimonstrit…
Currently there are no comments related to "Marunong Ka Bang Mag-tagalog?". You have a special honor to be the first commenter. Thanks!
Welcome to Authspot, the spot for creative writing.
Read some stories and poems, and be sure to subscribe to our feed!