A short story.
(Papasok ang baliw na parang tanga… kinakausap ang manyika n’yang hawak)
Audience: Hah! Baliw! Baliw!
Baliw: (Iirit) Aaaaahh! Sinong baliw, ha? Sinong baliw? (iiyak) huhuhu… Hindi ako baliw! Hindi ako baliw! Hindi ako baliw! (Mahibik) (Magsisimulang matawa) Kulang-kulang lang! hihihi! (titingin sa manyika) Shhh… ‘Wag ka nang umiyak, baby. (Panggigigilan ang manyika. Pipisilin ng konti ang pisngi) Ang pangit-pangit mo talaga!
O, ba’t kayo nakatingin sa akin? Kausap ko ba kayo? (titingin sa manyika) Ikaw, ba’t nakatingin ka rin, ha?
Audience: Baliw! Baliw! Pangit mo!
Baliw: (Tatakpan ang tenga) Tama na! tama na! Hindi nga sabi ako baliw! Kulang-kulang lang! (titingin sa manyika) Di ba, hindi ako baliw. Magsalita ka! Sinabi nang magsalita ka! (Ihahampas ang ulo ng manyika sa semento… Paulit-ulit. Tatawa nang tatawa habang ginagawa ito)
Baby? Baby ko, gumising ka! (Iiyak…) Sinong gumawa nito? (Titingin sa audience) Kayo! Oo, kayo ang gumawa nito sa kanya! Ang mga mapanghusga n’yong tingin at mga pananalita ang pumatay sa kanya!
Bakit nga ba kailangan n’yo akong husgahan? Wala naman kayong alam! Hindi n’yo alam ang tunay na nangyari sa akin! (Titingin muli s’ya sa kanyang manyika)
Baby, gising ka na! Shh… Tulog na. Tulog na pangit kong baby. (titingin s’ya sa audience) Alam n’yo ba, nung ano nga yun? Nung labing-apat na taong gulang ako, bine-baby din ako ng nanay ko.
(titingin ulit sa manyika) Shh… Tulog na. Tulog na. (Pa-exit na s’ya habang pinapatulog ang manyika)
Sa may upuan sa labas ng bahay
(Naglalaro si Nene’t Biboy ng “nanay at tatay.” Mga ilang segundo pa, darating si Cathy)
Cathy: (Naninigarilyo) Hoi, (nakatingin kay Biboy) ‘asan si Liza?
Biboy: Aba, ewan ko… pasulpot-sulpot lang naman kayo, ‘di ba?
Cathy: Hoi, kinakausap kita ng maayos, hah! Asan ang kapatid mo?
Currently there are no comments related to "Short Play -". You have a special honor to be the first commenter. Thanks!
Welcome to Authspot, the spot for creative writing.
Read some stories and poems, and be sure to subscribe to our feed!