Fell? Rise up and run!
Normal na siguro sa isang bata ang madapa at masugatan. May mga magulang na ayaw man lang palabasin ang kanilang mga anak upang makipaglaro sa mga kapitbahay ng patintero, piko, taguan, langit lupa impiyerno, tumbang preso, chicho, at doctor wakwak (dapat me doctor’s degree ka bago maglaro nito). Hindi na siguro alam ng ibang mga bata ang mga larong ito, dahil ang iba sa kanila ay nakuntento na lang sa mga computer games sa bahay. Naalala ko nung elementary ako (“grade school” pag mayaman ka, naks) sikat ka na sa school kung me “game and watch” ka (mga nasa abroad ang tatay pag me ganun ka). Hindi niyo alam yan, high-tech kami dati. Para itong Play Station ngayon pero ang problema sa game and watch isang laro lang kada isang gadget, kung Popeye, Popeye lang, kung Pacman, pacman lang, yun lang yun. Mas malupit yung laruan na me tubig sa loob tapos pashu-shootin mo yung mga ring sa nguso ng dolphin, hooooo! Ang saya na nun. Anyway, back to the ball game. Hindi na pinalalabas ang mga batang ito, ang dahilan, baka sila’y masugatan. No wonder kaya maraming nababading. Huwag niyo naman akong husgahan pero hindi ko talaga matiis na isipin tuwing nakakakita ako ng mga batang lagi na lang me bimpo sa likod eh kung hindi hikain eh mahina ang baga. Para bang tuwing tatakbo sila ay hindi na sila makakahinga. Alam ko ang dahilan ng mga bimpong yan, pero ang pangit kayang tignan kung 20 anyos na eh hinahabol pa rin ng nanay at baka mabasa ng pawis ang likod. Itago muna ninyo ang mga kanyon ninyo wala akong ibang kahulugan sa sinasabi ko. Nasabi ko lang yun mula sa isip ko na marahil ay makitid. Natutuwa ako sa mga magulang na hindi nagkakandarapang habulin ang mga anak kapag nakita nilang nadapa ang anak. Tinutulungan nila ito sa pamamagitan ng pag encourage sa kanila na tumayo. Sa pananaw ko, may mahalagang mensahe ang posturang ganito. Ito ay pagtuturo sa anak na kaya niyang bumangon sa sarili niyang paa. Unang-una, dahil may paa siya at kaya ibinigay sa kanya iyon ng Dios eh para gamitin.
Parang ok lang tignan sa bata ang nadadapa at nasusugatan minsan. Hindi ko sinasabing kailangan nilang masaktan para matuto, dahil pwede namang matuto ang bata bago pa masaktan. Ang masaklap sa buhay ng tao hindi naiiwasan na magkaroon ng kabiguan (haha senti). (Serious mode) Ang lathalaing ito ay serye ng mga taong nadaplag minsan sa buhay nila pero hindi naglupasay para humingi ng dede sa nanay nila. Bumangon, pinagpag ang dumi sa tuhod at patuloy na tumakbo ang buhay. Ok eto na… Mga bata sinong nakakakilala ke Thomas Edison? Ok siya ang nakaimbento ng incandescent bulb. Minsan sinabihan siya ng teacher niya na sya ay “too stupid to learn anything”. Minsan ay tinanong siya ng isang reporter… Sir anong pakiramdam na magkamali ng 1000 beses sa pagimbento ng bulb na yan? (BTW hindi nagtagalog yung nagiinterview, syempre English yun, translation lang ito) Well ang sabi niya, “I didn’t fail 1,000 times. The light bulb was an invention with 1,000 steps.” Alam ba ninyong hindi marunong magsalita si Albert Einstein hanggang sa sya ay naging 4 na taong gulang at hindi sya natutong magbasa hanggang 7 years old. Yung isa kong source 9 years old ang sabi (hayaan niyo na silang mag debate kung ano ang totoo) Gayunpaman, ang katotohanan ay huli siyang natutong magbasa. Isa sa mga teachers niya ang nagsabing siya ay mentally slow, unsociable and adrift (naglalakbay ang utak) forever in foolish dreams. Ang masaklap na-expel siya sa Zurich Polytechnic School. Pero tignan niyo naman ang nagging contribution ni Einstein sa siyensya. Minsan nga nagging teknikal term na ito sa mga batang matatalino. Inom tayo ng inom ng gatas, pero wala tayong alam sa dumi na nandun sana kung wala ang mga discoveries ni Louis Pasteur. Sa pangalan nya natin nakuha yung “Pasteurization”. Kailangang ilaga up to a certain degree centigrade ang gatas bago ito ipainom sa tao para mamatay ang mikrobyo at hindi ang tao. Alam niyo bang out of 22 students ika 15 lang si Pasteur sa ranking? Hindi siya ganun ka brilliant na bata. Hindi niyo ba alam na natanggal si Michael Jordan sa kanyang High School basketball team dahil sa paulit ulit na failure sa paglalaro? Sabi niya, “I failed over and over again in my life that’s why I succeeded” At eto ang isa pang nakakatawa. Sino ba ng hindi nakakakilala kay Walt Disney. Oo, name siya ng tao. Alam niyo bang minsan ay pinatalsik siya ng isang newspaper editor? Dahilan? Wala daw siyang magandang imagination at mga ideya. In fact, hindi siya pinayagan na itayo ang theme park niya sa Anaheim dahil baka dumami lang daw ang basura pag ito ay naitayo. Haha, alam niyo bang me tsismis pa nga na me pagka bading si King James I na nagpa translate ng Bible into English. Nagbabasa ako minsan ng Guinness book of world records. I came across dun sa “Prominent Effeminates in History” nandun siya, number one pa. Masama namang i argue yun against sa kanya, “ad hominem” ang tawag dun. Pero hindi yun naging hadlang para ituloy niya ang mga plano niya. Si Charlie Chaplin, well hindi na siguro siya kilala ng mga kabataan ngayon. Try niyong panoorin sa youtube ang mga pelikula niya. Pero hindi ko pinapangakong matutuwa kayo sa palabas niya dahil masyado na itong luma. Bukod dun eh iba na ang sense of humor ng tao ngayon. Gayunpaman, hanggang ngayon ay tinuturing pa rin siyang one of the best pantomime comedian ng kasaysayan. Nung una, siya ay na reject ng mga hepe ng Hollywood Studio dahil”nonsense”daw ang ginagawa niya. Sino ang hindi nakakakilala kay Beethoven? Alam niyo bang sinabihan siya ng teacher niya na “hopeless as a composer”. Haha, lima sa mga extravagant na composition niya ay nagawa niya nung panahong siya ay bingi na. Tsk tsk, grabe. Ayon sa kasaysayan isang painting lang ang naibenta ni Vincent Van Gogh at ito ay sa halagang 400 francs (around 50$) siguro 2000 pesos more or less. Naibenta niya ito sa kaibigan ng kapatid niya. Sa mga hindi nakakaalam, siya ang nag paint ng Starry Night na ginawan ni Don Mclean ng kanta- Vincent…tanong niyo sa mga mahilig mag videoke alam nila yung kanta. Bagaman mejo me sira ang ulo ni Gogh (totoo yun, alam niyo bang minsan me nakasamaan siya ng loob, isang matalik niyang kaibigan, dahil sa sobrang guilty niya hiniwa niya ang tenga niya at pinadala sa kaibigan niya para lamang mai-express niya na nagsisisi siya) Sa kabila ng lahat, hindi siya nasiraan ng loob na tapusin ang mahigit 800 niyang paintings. Hindi ko kilala si John Creasy, pero isa daw siyang English Crime novelist, he received 753 rejections bago niya naipublish ang 564 niyang libro. At sino ba ang hindi napapakanta kapag narinig ang … Yesterday, all my troubles seems so far away… Well hindi lang ang mga nagvivideoke ang nakakakilala sa kanila. The Beatles! Ang nag iisang bandang nagkaroon ng Mania sa buong mundo. Hindi niyo ba alam na minsan silang nireject ng isang recording studio (DECA)? Palaos na daw ang guitar music at hindi nila type ang mga music nila. Naiisip ko tuloy kung ano ang mga itsura ng mga hepe ng recording company na yun nung pumutok ang kasikatan ng Beatles. Nakakita na kayo ng batang hindi nabigyan ng ice cream sa isang birthday party? Yung tipong nakatingin lang siya pero hindi umiiyak pero namumula na ang ilalim ng mata. Masakit sa lalamunan kung pipigilan mo ang pag iyak. Siguro ganun ang naramdaman ng Deca. Palagay ko lang naman yun. Noong unang panahon pinagtatawanan ng mga Doctor ang ilang mga American mothers na ginagawang gamot sa sugat ang amag na galing sa tinapay, hanggang sa madiskubre ni Alexander Fleming ang isang amag na nalaglag sa mga bacteriang kinuculture niya. Napansin niyang namatay yung mga bacteria nung nalaglagan ng mga amag. Dito nagsimula ang Penicillin. Amroise Parέ, (isang barbero) ay lumaki sa panahong kinokonsider ng mga Doctor na ang surgery ay mababang trabaho. Alam niyo ba kung sino ang gumagawa ng mga minor surgery noong time na yun? Mga barbero. Oo, dahil nga maliit ang tingin ng mga Doctor sa surgery, sila ang gumagawa nito. Hindi makapasok si Ambroise sa mga eskwelahan ng mga Doctor dahil hindi siya nakapag aral ng Latin at Greek, mga lengguaheng mahalaga sa pag aaral ng medisina. Nung 1536 nang ang France ay pumunta sa gyera, nakasama si Ambroise sa pag alalay sa mga sundalo. Kapag nasusugatan ang sundalo ang tradisyunal na ginagawa ng mga Doctor dati ay buhusan ito ng mainit na mantika. Bagay na parang masarap gawin. Ouch!!! Noon daw. Pagtinatamaan ng bala ang mga sundalo at kailangang putulin ang paa, nilalagari na lang ito ng walang pampamanhid (hindi pa ata uso ang Anesthesia that time). Namamatay ang ilan hindi dahil sa tinamaan sila ng bala, kundi sa sobrang sakit, dahil yung ibang Doctor eh kukuha ng mainit na bakal na parang plantsa at paplantsahin ang sugat para umampat ang dugo. (kung ayaw niyong maniwala try niyo). Hindi tumigil si Ambroise, kaya nakagawa siya ng isang ointment na nakatulong sa pag papaampat ng sakit ng mga sundalo. Hindi nagustuhan ni Dr. Gourmelen ( isa sa mga batikang Doctor ng France nung panahon na yun) ang ginagawa ni Ambroise dahil ang mga pamamaraan daw niya ay bago. Dumating ang panahon , siya ay nagging surgeon ni King Henry II at sa tatlo pang hari ng France. Sinalin niya ang libro ni Vesalius sa French para mabasa din ng iba pang Barber-Surgeon ang tungkol sa medisina.
Currently there are no comments related to "“Daplag”". You have a special honor to be the first commenter. Thanks!
Welcome to Authspot, the spot for creative writing.
Read some stories and poems, and be sure to subscribe to our feed!