Paunawa: Eto ay isang halimbawa ng isang impormal na lathalain na nakasulat sa wikang Tagalog at Ingles. Humanda nang masiraan ng ulo at matauhan sa mga sumusunod na kamalian.

Next Station, MAGALLANES Station (2x):
“Paalaala lang po sa aming mga minamahal (weh?) na pasahero… [doobidoobidoo]… iwasang tumapak sa dilaw na tiles”. <Patay malisya. Kunwari singkapal ng muka nya ang kanyang tutule>. Onga naman, “iwasan” lang daw hindi sinabeng “bawal”. Dito kilala ang ilan sa ating mga Pinoy. <Kaya tuloy maraming nadadamay e… tsktsktsk>. Sobrang pilosopo wala naman sa lugar.
Dameng side comments, ituloy na ang kwentong malupet.
Nagmistulang pinakuluang lamok sa bote ng mantika ang mga pasaherong hingal na hingal. (Ulitin mong basahin, dahan-dahan, with feelings). Ikaw ba naman paakyat pa lang ng hagdan umeffort pang habulin yung kadarating pa lang na tren at sumigaw, “weyt lang!” Aba magulat ka kung sumagot yan! Pagdating sa checkpoint at body frisking, tinarayan si manong gard.
“Lipistik po yan. Ah eto blash-on. Eto, ano ‘to pang-ahet ng kilikili (Inaahit ang kilikili? Sakit nun!). Ano ba ‘yan manong ‘wag mo na msyadong bulatlaten, nagmamadali ako!” Hala, sinong hindi nagmamadali? Ikaw kasi sa loob ng shoulder bag mo, dameng pouch. Tapos sa loob ng pouch, may pouch ulet. Mukha ka tuloy trained suicide bomber nyan – imported from Makati. Ba’t di kasi sumunod na lang sa authority para lahat pantay-pantay ang treatment. Domino effect lang ‘yan e – mag-inarte ka lahat ng makakakita sa ‘yo mag-iinarte na rin
O kaya naman para di ka mainip sa haba ng pila, try mo one time dala ka ng tatlong box ng hopia magtinda ka dun sa tabi-tabi ng entrance. Kumikitang kabuhayan! For sure gugustuhin mong laging mahaba ang pila. It’s just a matter of mind-setting, though exaggerated, but the thing here is not to worsen the already worst scenario; instead make good out of it. Malay mo yung lalaki palang naka-office attire sa harap ng pila mo may dala na palang bomba. Well at least nadagdagan ang buhay mo at pasalamatan mo si manong gard!
Eto na parating na ang tren. Ang Samahan ng mga Beterano ng eMaRTi, tanchado na kung saan bubukas ang mahiwagang pintuan. Naka-ready na rin yung mga kamay – pantulak sa unahan. Ang mga backpack, suot-suot sa dibdib. Pagdating ng tren for sure lakad penguin ‘yan kasi bihira mong maihakbang ng isang ruler ‘yang kanang paa mo ‘pag ganyang siksikan. Ayaw mong maniwala? Sige try mong pumikit ‘pag papasok ka na ng tren (dapat siksikan ha) tapos bilang ka 1..2..3.. Charan! Nasa loob ka na ng sauna… ay eMaRTi pala.
Currently there are no comments related to "Emaarti". You have a special honor to be the first commenter. Thanks!
Welcome to Authspot, the spot for creative writing.
Read some stories and poems, and be sure to subscribe to our feed!