Do you believe in an everlasting love?
Neptuno, Ang Isla ng Walang Hanggan
By
Ashley Brooke Demagajes
|
D |
alawang libong taon na ang nakararaan, bago pa man isinilang ang mga tanyag na manlalayag, isang grupo ng Griyego ang tumakas mula sa isang malaking giyera sa Gresya at naglakbay sa hindi pa nasusukat na karagatan upang makahanap ng bagong tahanan kung saan ang kaguluhan ay estranghero at ang kasaganaan ay hindi matatawaran.
Matindi ang naging galit ng Bathala ng Digmaan dahil sa ginawang pagtakas ng ilang kawal ngunit pinanigan naman sila ng Bathala ng Karagatan at ginabayan ang kanilang paglalakbay. Sa loob ng halos dalawang taon, namuhay sila sa laot hanggang sa wakas ay nakarating sila sa isang isla.
Doon ay nakahanap sila ng walang hanggang katiwasayan. Ang berdeng bukirin sa pusod ng isla ay sagana sa kakaibang uri ng puno at halaman. Kailanman ay hindi sila nagutom. Pinangalanan nila itong Neptuno bilang pagpugay sa mabait na bathalang tumulong sa kanila.
Sa kanilang pamumuhay sa Isla ng Neptuno ay natuklasan nilang may iba pa palang biyayang hatid ang mahiwagang lugar. Isang biyayang minana ng mga sumunod na salinlahi. Iyon ang dahilan kung bakit masugid nilang binantayan ang isla. Walang sinuman ang maaaring umalis sa isla sa pangambang matuklasan sila ng mga malulupit na manlulupig at masira ang iniingatan nilang tahanan.
Ngunit ang mga biyayang iyon ay may kapalit…
Chapter 1
Iloilo, 2009
|
P |
ihadong uulan na naman mamaya.
Inalis ni Saphira ang paningin mula sa nagdidilim na kalangitan. Inipit niya ang kanyang kulot at mahabang buhok gamit ang malaking hair clip at mabilis na tinapos ang paglilinis sa loob ng isang cottage. Nagkalat ang mga supot ng sitsirya at lata ng beer sa sahig at pagpasok niya kanina sa banyo ay ni hindi man lang itinapon nang maayos ng mga dating umukopa doon ang mga ginamit na condom.
Nadismaya siya. Dating matalik na kaibigan niya kasama ang boyfriend nito ang nag-overnight doon.
Alam niya ang dahilan ng pagwawala ni Rochelle at nauunawaan niya ito. Sino ba ang hindi magri-rebelde gayung iniwan ito sa harap ng altar ng pinakamamahal nitong nobyo at ipinahiya sa marami? Ngunit sana ay huwag namang tuluyang sirain ni Rochelle ang buhay nito. Sa ginagawa nito ay lalo lang nitong ipinapahiya ang sarili. Bata pa ito at makakatagpo pa ng ibang lalaking karapat-dapat dito.
Currently there are no comments related to "Love in a Magical Island". You have a special honor to be the first commenter. Thanks!
Welcome to Authspot, the spot for creative writing.
Read some stories and poems, and be sure to subscribe to our feed!