Tok Tok ni Jai Tot
insight about "bato bato sa langit"

bato-bato sa langit,
ang tamaan may bukol
korek!
pag ika’y tinamaan, sino’ng di magagalit?
but, bakit pa nga ba magagalit,
bakit dagdagan pa ang sakit sa ulo ng sakit sa puso?
karagdagang hapdi lamang ang abot nito.
nagkamali na nga, gusto pang dagdagan ang pagkakamali.
redundancy na ang tawag dun,di ba?
kapag tinamaan, sa’yo talaga ang tama nun,
para sa’yo yun, kaya’t tanggapin ng todo,
para malaman pagkakamali mo.
yup! ikaw lang naman ang nagkamali,
alam mo nang may batong itinapon,
ayaw mo pang ilagan ito?
kung kaya namang ilagan, bakit maghihintay pang tamaan?
and may isa din,
pag tinamaan, gusto ding makatama,
tama na nga!
nawawala ka na nga sa tama, magpapatama ka nanaman,
at bakit ka pa nga ba bumabato,
kung ikaw lang naman ang tatamaan nito?
at bakit ka pa nga ba magbabato,
kung ikaw mismo na ‘yung kumuha nung bato?
kapag ika’y tinamaan,
at least, matututo ka sa first aid.
para habang di pa lumalala yung sakit,
masimulan nang hilumin agad.
ngunit kung malakas ‘yung tama at may iniwang bakas,
magpasalamat, kasi maaalala ang nagawang kamalian,di ba?
kaya’t ano pa nga ba ang hinihintay?
tara na?! i-welcome ang batong papalapit ng papalapit…
ouch!

1
Liked it
Comments (1)
  • Jai Tot on Dec 24, 2009

    mga Tok Tok ni Jai Tot… ahehe…
    puno ng mga pagpapa-sensya (full of sense?),
    nagsisilanguyang pilosopiya (philosofish),
    nagsisihulugang vanity (VAINities),
    nanliligaw kahit mahal (interesting),
    isip-isip (mind to the second power)
    ano pa ba? (huh?),
    at iba’t iba pa (change-change)…

    ahehe…
    you’re free to comment and suggest…
    and even sight your POV’s and batong itatapon na makakabukol…hehe

    thanks! take care!

Leave a Comment

Hi there!

Hello! Welcome to Authspot, the spot for creative writing.
Read some stories and poems, and be sure to subscribe to our feed!

Find the Spot

Loading